Thursday, April 19, 2012

Pinoy Henyo Reviewer


Talaga namang isang henyo ang nakaisip ng “Pinoy Henyo” game ng longest running noontime show Eat Bulaga.
Kung nasa Iskul Bukol ang lahat ng daldal at gulo, nasa Pinoy Henyo naman ang umaapaw na thrill at excitement. Contestants, studio audiences, at televiewers man ay katakut-takot ang gigil, kaba, at ligaya.
Sa mga taong naghahanda para sa original
Pinoy contest na ito, tandaan lamang ang nilalaman ng ating epektibong reviewer.
 

Preparation
ü      Maglaan ng oras para sa pag-eensayo sa bahay, office, o school.
ü      Sa ensayo pa lamang, sikapin nang maging relax, calm, and focused. Mahirap gawin pero isa ito sa mga susi sa pagkapanalo.

Bukod sa mga bagay na alam na, regular na magbasa upang mapalawak pa ang kaalaman. Sa pagbabasa, laging tandaan ang mga pangunahing kategorya tulad ng TAO, LUGAR, BAGAY, HAYOP, at PAGKAIN.

Kategorya
Sa kategorya iikot ang pagpapalitan ng salita ng “humuhula” ng keyword at ng “guide” na pawang nasa henyo seat.

Laging ipinapaalala ni Mr. Joey De Leon ang kahalagahan ng KATEGORYA sa itatakbo ng pagtuklas sa lumilitaw na keyword or henyo word. Sa sandaling na-establish na ang eksaktong kategorya, ang nalalabing oras ay maari nang ubusin sa pag-iisip at pagsasabi ng mga posibleng sagot.

Sa pag-eensayo, gumawa ng listahan ng mga kategorya. Upang mapadali ang pag-iisip at paglilista ng nag-salita, magsimula sa lahat ng nakikita sa paligid. Sa kategoryang bagay pa lamang, marami na kaagad ang maaaring isulat.

Tao
Sa kategoryang TAO, tandaan ang 2 mahalagang sub-category:

ü      Pangalan ng tao
ü      Parte ng katawan ng tao

PANGALAN NG TAO
Pag-aralan ang local at international singers, artista, politiko, at bayani.
Itanong ang kasarian, bansang pinagmulan, at taon kung kailan sumikat ang isang artista o singer.
Ugaliing magbasa ng current events sapagkat may pagkakataong dito nanggagaling ang pangalan ng tao.

PARTE NG KATAWAN NG TAO
Itanong kung nasa ulo, gitnang katawan, or lower body parts. Importanteng alamin kung “external” or “internal”.
Matapos malaman kung ito ay nasa parteng itaas, gitna, or lower body, simulang himayan mula sa labas papunta sa loob. (Ex. Balat, palad, talampakan, alak-alakan, batok, labi, at lalamunan. Isunod ang buto, ugat, dugo,
Himayin lahat ng makikita sa loob tulad ng mata utak, ngipin, adam’s apple, puso, atay, pancreas, gall bladder, etc. 

Pagkain
         Almusal
         Tanghalian
         Hapunan
         Meryenda
         Condiments
         Prutas
         Gulay
         Kakanin
         Street foods
         Dessert
Maaaring kasama sa ALMUSAL ang fried rice, tinapay, egg, tuyo, ham, bacon, at kanin mismo. Huwag kalimutan ang drinks katulad ng kape, gatas, hot chocolate, tea, at tubig.
Sa TANGHALIAN at HAPUNAN, alamin kung pinirito, may sabaw, or may sarsa.
         Pinirito (fried chicken, tocino, fried egg, torta)
         May sabaw (nilagang baka, sinigang na baboy)
         May sarsa (menudo, mechado, kare-kare, pochero, adobong baboy, adobong manok) 
Sa MERYENDA at KAKANIN, pag-aralan ang mga pangkaraniwan na kinakain ng mga Filipino gaya ng pansit, banana-que, arroz caldo, suman, puto, kutsinta, ensaymada, lumpia, at pichi pichi.

Kasama sa STREET FOODS ang mga pagkaing gaya ng isaw, kwek kwek, balot, penoy, at chicharon. Huwag ring kalimutan ang siomai, empanada, pizza, lumpiang shanghai at lumpiamg toge na karaniwan nang inilalako sa mga lansangan. 

Gumawa ng listahan ng lahat ng popular na PRUTAS at GULAY sa Pilipinas at ibang bansa.
Sa mga prutas, siguruhin ang korte, laki, kulay kung hinog or hilaw, dami ng buto at lasa.

Tandaan ang lokal na awiting “Bahay Kubo”. Hindi aabutin ng 3 minuto kung bibigkasin ng mabilis ang mga pagkaing kasama dito. Alamin kung ang gulay ay maraming dahon gaya ng malunggay, saluyot, kangkong, at alugbati.
Huwag kalimutan ang mga gulay na root crops gaya ng gabi, kamote, carrots, labanos, at mani.

Pag-aralan ang lahat ng CONDIMENTS katulad ng suka, toyo, patis, paminta, asin, at catchup. Mabilis na alamin ang lasa nito at anyo (powder or liquid).

Ang mga DESSERTS ay maaring leche flan, cake, cookies, maja blanca, matamis na bao, polvoron, candy, at marami pang iba.

Lugar
Agad na alamin kung ang lugar ay nasa Pilipinas or ibang bansa.
PILIPINAS
Kung nasa Metro Manila, alamin ang munisipalidad. Tandaan na marami dito ay nagsisimula sa letter M gaya ng Mandaluyong, Makati, Malabon, Manila (Maynila), at Marikina. Gayon din ang letter P gaya ng Paranaque, Pasig, Pasay, at Pateros.

Sa ibang REHIYON, alamin kung nasa LUZON, VISAYAS,MINDANAO. Pag-aralan ang mga lugar gaya ng Tuguegarao, Tacloban, Agusan del Sur, Cotabato City, Tawi-tawi, at Bukidnon

Alamin din ang kinabibilangang kontinente gaya ng:
         Asia
         Europe
         North America
         South America
         Africa
         Antarctica
         Oceania
Kung nasa United States, kabisaduhin ang mga estado nito lalo na ang mga popular sa mundo gaya ng Califonia (San Francisco or Los Angeles), Washington or Washington D.C., Hawaii, Guam, Alaska, Texas, etc.

Sa Asia, alamin ang mga bansa sa ASEAN
gaya ng Singapore, Myanmar (Burma), Malaysia, Indonesia, Cambodia, Vietnam, Lao, Thailand, at Brunei Darussalan. Pag-aralan din ang mga karatig bansa ng ASEAN gaya ng Japan, India, Taiwan, Korea (North or South), Sri Lanka, Mongolia, and China. Huwag din kalimutan ang mga popular na mga bansa sa Middle East, Europe, at South America.

Hayop
Marami man ang uri ng hayop, ang mga ito ay may kinabibilangang kategorya. Dapat alamin kung ito ay mammals, reptiles, amphibians, insects or itanong na lamang kung gumagapang, lumalangoy, or lumilipad. Alamin din kung ito ay nasa bahay, farm, or wild. 

GUMAGAPANG
Maaaring ito ay ahas, butiki, bubuli, langgam, ipis, etc.

LUMALANGOY
Isda, dolphin, balyena, sea horse, butanding, jellyfish, tahong, talaba, hipon, alamang, igat,etc.

LUMILIPAD
Ibon
gaya ng agila, maya, loro at kwago. Insekto gaya ng alitaptap, paro-paro, at tipaklong.

BAHAY
Sa bahay pa lamang ay marami nagng hayop gaya ng aso, pusa, daga, ipis, langgam, kuto, pulgas, garapata, butiki, lamok, goldfish at bulate.

FARM ANIMALS
Ang mga ito ay maaaring baboy, manok, baka, bibe, pato, itik, pugo, manok, kabayo, at pabo.

ZOO at WILD
Marami sa mga hayop na ito ay mula sa Africa gaya ng elepante, zebra, ostrich, lion, cheetah, hippopotamus, and giraffe.

Ang BAGAY ang pinakamahirap na kategorya sapagkat malawak ang sakop nito. Gayunpaman, alamin kung ito ay nasa loob ng bahay or nasa labas.

BAHAY
         Parte ng bahay ( bubong, bintana, pader, sahig, kusina, banyo, kwarto, etc.)
Maaring ang parte na ito ay gripo, lababo, toilet bowl, shower, switch, etc.
         Gamit ng tao (gadgets, electroncs, furniture, kitchen utensils, personal hygiene) Kabilang dito ang kama, unan, telepono, television, radyo, kutsilyo, oven toaster, abrelata, kaldero, kawali, sofa. Lamp shade, etc.

LABAS NG BAHAY
Mas marami ang sakop ng mga bagay sa labas ng bahay. Maaring ito ay uri ng transportasyon, bagay sa loob ng mga buildings at mall. Maaari ring nakikita sa kalikasan gaya ng bundok, ilog, dagat, at puno. Alamin agad kung ito ay natural o

Important:
Mahalagang alamin kung ang keyword ay English or Filipino. Alamin din kaagad kung ilang salita ang bumubuo dito.

Kami ay umaasa na ang munting guide at reviewer na ito ay lilikha pa ng maraming Pinoy Henyo ; )